100 pananim na marijuana, nadiskubre ng pulisya sa North Cotabato
Nadiskubre ng pulisya ang mahigit 100 marijuana hills na inabandona sa liblib na barangay sa Aleosan, North Cotabato.
Ayon kay Senior Inspector Edwin Abantes, hepe ng Aleosan police, nagpadala siya ng mga operatiba sa Purok 8 sa Barangay Panay matapos makatanggap ng ulat na may taniman ng marijuana sa lugar.
Dakong alas-3:30 kahapon nang madiskubre ng mga pulis ang 89 marijuana hills.
Aabot naman sa 21 marijuana hills ang nadiksubre ng pulisya sa Purok 9.
Sinabi ni Abantes na posibleng natunugan ng mga suspek ang operasyon kaya walang nadatnan na tao ang pulisya sa lugar.
Binaklas ng mga pulis ang mga tanim na marijuana at dinala sa Corabato Police Crime Laboratory sa Kidapawan City.
Patuloy namang inaalam ng mga otoridad ang mga posibleng may-ari taniman./
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.