Sa 2017 audit report para sa Duty Free Philippines Corporation o DFPC, mahigit P2.5 million na halaga ng iba’t ibang produkto ang kinuha raw ni Teo at sa bandang huli, ang DOT ang kailangang magbayad ng mga ito.
Ayon sa COA, “intended for resale” ang mga produktong mula sa Duty Free na nagkakahalaga ng $43,091.13 o P2,174,150.08.
Bukod pa rito ang 277 na items na may halagang $6,938.35 o mahigit sa P346,000.00 na mula sa warehouse ng Duty Free stores.
Nabatid na nag-isyu ng memoranda si Teo at ang opisina ni dating Undersecretary for Administration and Special Concerns Rolando Cañizal, at hiniling ng dalawa sa DFPC na mag-isyu ng gate pass slips para mailabas ang mga merchandise mula sa Duty Free.
Sinabi ng COA na inilabas mula sa Duty Free stores noong September hanggang December 2017 ang mga item gaya ng toiletries, kitchen wares, beddings, appliances, canned goods, branded bags, luxury brand cosmetics, mga tsokolate at iba pa.
Ayon pa sa COA, ang P2.1 million na items mula sa Duty Free ay nai-charge sa account na “Due to Other NGAs” na Trust Liabilities-DOT at account na ginagamit para sa mairekord ang share ng DOT sa net profit ng DFPC.
Pero ang 277 items na nailabas ni Teo ay wala sa libro ng DFPC, kaya inirekumenda ng COA na ang ilabas ang detalye nito upang mairekord ng accounting department at ang bill ay maipadala at masingil sa DOT.
Samantala, kinuwestyon din ng COA ang corporate giveaways ng Duty Free ba umabit sa halagang P13.36 million ang halaha, gaya ng LED TV, refrigerators, coffee makers at mga mamahaling bags.