Pastor Boy Saycon, pinag-iingat sa paglalabas ng impormasyon patungkol sa pamahalaan
Pinag-iingat ng palasyo ng Malakanyang si EDSA People Power Commission Member Pastor Boy Saycon sa pagsasalita sa mga maseselang impormasyon patungkol sa pamahalaan.
Pahayag ito ng palasyo matapos ibunyag ni Saycon na maaring nagagamit ang Simbahang Katolika para sa destabilisasyon laban sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bagito pa sa administrasyon si Saycon.
May mga proseso at protocol aniya na sinusunod ang pamahalaan sa paglalabas ng mga impormasyon na kailangang mailatag kay Saycon.
Bagamat tinawag na bagito sa administrasyon, sinabi naman ni Roque na malalim na ang relasyon ni Saycon sa ibat ibang sektor lalo na sa Simbahang Katolika.
Sina Saycon, Roque, Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella at Cabinet Secretary Leoncio eEasco Junior ang naatasan ng pangulo na makipag-usap sa Simbahang Katolika at iba pang religious group.
Nagkaroon ng palitan ng maanghang na salita ang Simbahang Katolika at si Pangulong Duterte nang sabihin ng punong ehekutibo na stupid ang anginoong Diyos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.