AlDub phenomenon napansin na rin ng American news website na Morning News USA
Hindi nakalampas sa American news website na Morning News USA ang katanyagan ng tambalang AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza alyas Yaya Dub.
Dalawang beses naglabas ng article ang nasabing news website na may titulong “Do You See #ALDUB a Lot on Twitter lately? We Have the Answer” at ang ikalawa ay may titulong “More on ALDUB the Philippines Power Sweethearts” na parehong isinulat ni Athena Yenko.
Sa nasabing artikulo, ipinaliwanag ang ibig sabihin ng #ALDUB na araw-araw ay top trending topic sa twitter hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
Ikinumpara pa ng nasabing American news website sina Alden at Maine sa onscreen chemistry na mayroon sina Emma Stone at Ryan Gosling ng Hollywood film na ‘Crazy, Stupid, Love’.
Nakasaad din sa nasabing article na ang AlDub ay kinilalang ‘global phenomenon’ ng Twitter Asia Pacific and Middle East sa pamamagitan ng kanilang bise presidente na si Rishi Jaitly.
Ito ay matapos na umabot sa 25.6 million ang record sa twitter ng #AlDubEBforLove sa episode ng Eat Bulaga noong September 26.
Nalagpasan ng nasabing tweet record ng ALDUB ang tweets tungkol sa 2015 MTV Video Music Awards.
Sa ikalawang article ni Yenko, sinabi nitong muling nag-trend ang #ALDUBRoadtoForever kahapon.
Ito ay matapos ianunsyo ang event na magaganap sa Philippine Arena sa October 24, araw ng Sabado.
Binanggit sa artikulo ang pahayag ng TicketWorld na nakuha na ng ALDUB ang record sa pagkakaroon ng highest amount ng ticket sales sa unang araw pa lamang ng bentahan.
Sa second day ng bentahan, sold-out na ang ticket para sa Sabado.
Sinabi rin ni Yenko na ang twitter account ni Maine Mendoza ay isa na sa mga fastest-growing celebrity profiles sa Twitter sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.