Ayon sa isang ulat, inanusyo ito ni Minister without Portfolio Chang Ching-sen.
Ipinahayag ni Chang na napagkasunduan sa inter-ministerial meeting ngayong buwan ang pagpapalawig sa prebilehiyong ito.
Maaaring manatili sa Taiwan ang mga Pilipino nang walang bisa hanggang 14 na araw.
Sinimulan ng Taiwan ang programang ito noong November 1, 2017 at magiging epektibo na hanggang July 31, 2019.
Maliban sa Pilipinas, pinahaba rin ang visa-free access sa Taiwan para sa Thailand at Brunei.
MOST READ
LATEST STORIES