Mga Pinoy na pupunta ng Taiwan mananatiling visa-free hanggang July 2019

By Rohanisa Abbas June 28, 2018 - 12:36 PM

Pinalawig ng Taiwan ang visa-free para sa mga Pilipino nang isa pang taon.

Ayon sa isang ulat, inanusyo ito ni Minister without Portfolio Chang Ching-sen.

Ipinahayag ni Chang na napagkasunduan sa inter-ministerial meeting ngayong buwan ang pagpapalawig sa prebilehiyong ito.

Maaaring manatili sa Taiwan ang mga Pilipino nang walang bisa hanggang 14 na araw.

Sinimulan ng Taiwan ang programang ito noong November 1, 2017 at magiging epektibo na hanggang July 31, 2019.

Maliban sa Pilipinas, pinahaba rin ang visa-free access sa Taiwan para sa Thailand at Brunei.

TAGS: Radyo Inquirer, Taiwan, visa-free, Radyo Inquirer, Taiwan, visa-free

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.