SP Tito Sotto binisita si Sec. Leila De Lima

Photo from SP Tito Sotto

Binisita ni Senate President Tito Sotto III si Senator Leila De Lima sa detention center nito sa Camp Crame.

Ayon kay Sotto, tumagal ng 37-minuto ang pag-uusap nil ani De Lima sa custodial center.

Ani Sotto nais niyang makita ng personal ang kalagayan ni De Lima lalo na at may hirit ang senadora na payagan siyang makalahok sa mga pagdinig sa senado.

Pinag-usapan din ng dalawa ang mga nakabinbin na panukalang batas ng senadora.

Si De Lima ay nasa detention center ng Camp Crame mula pa noong February 2017 dahil sa kinakaharap na kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.

Read more...