Ilang naarestong tambay walang pambayad ng P200 na multa – PAO

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 28, 2018 - 10:32 AM

Nitong nagdaang mga araw nadagdagan ang mga humihingi ng tulong sa Public Attorney’s Office dahil sa mga isinasagawang operasyon laban sa mga tambay na lumalabag sa ordinansa.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PAO Chief Atty. Persida Acosta, katunayan may mga napuntahan na aniya ang PAO na mga nahuling tambay na walang kapera-pera at walang maipambayad na piyansa kahit ang halaga ay P200 lang hanggang P500.

Kwento ni Acosta, sa Pasay City, mayroong apat na katao na pitong araw nang nakakulong, isa sa kanila ay dinampot dahil sa pagiging illegal barker, ang isa ay walang suot na pang-itaas at ang dalawa ay nag-iiinom sa kalye

Naniniwala din si Acosta na dapat rebisahin ng mga lungsod sa Metro Manila ang kani-kanilang mga ordinansa.

Aniya ang mga simpleng paglabag lamang naman ay dapat hindi na dinadala sa istasyon ng pulisya at hindi na dapat nauuwi sa pagsasampa ng reklamo sa piskalya.

Mas mabuti ayon kay Acosta na idaan na lang sa baranggay at doon pagsabihan.

TAGS: Public Attorney's Office, Radyo Inquirer, Public Attorney's Office, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.