Dahil sa away ng pasahero, eroplanong patungo sana ng San Francisco, bumalik sa Los Angeles
Halos isang oras matapos mag-takeoff, bumalik sa Los Angeles International Airport ang Southwest Airlines jetliner na patungo sana ng San Francisco.
Ito ay matapos na mag-away ang dalawang pasahero nito. Ayon kay Southwest Airlines spokesperson Melissa Ford, ang isa sa mga pasahero na sangkot sa gulo ibinaba mula sa eroplano,
Hindi naman na ikinuwento ni Ford ang naganap na pag-aaway, pero dahil sa kagulugan, nagdesisyon aniya ang piloto ng flight number 2010 na ibalik na lang sa paliparan ang eroplano.
Isa sa mga pasahero ng nasabing flight ang comedian na si Mark Curry.
Ayon kay Curry, natutulog siya noon at nagising na lamang dahil sa kaguluhan. Inakala pa umano niya sa umpisa na inatake ng terorista ang eroplano.
Sa kuwento ni Curry, isang babae ang nagsisigaw at galit nag alit sa isang lalaki na sumakal umano sa kaniya at humampas sa kaniyang ulo.
Ayon naman kay FBI Spokeswoman Laura Eimiller, hindi inaresto ang pinababang pasahero at sa halip ay inimbitahan lamang para sa ilang katanungan.
Ang mga naapektuhang pasahero ay inilipat na lamang ng eroplano, pero na-delay na ng halos tatlong oras ang kanilang biyahe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.