Nadakip na lumabag sa ordinansa umabot na sa 18K sa loob ng 16 na araw

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 28, 2018 - 09:31 AM

Mula June 13 ng umaga hanggang ngayong June 28 ng umaga umabot na sa mahigit 18,000 ang kabuuang bilang ng mga nadadampot sa Metro Manila nang dahil sa paglabag sa iba’t ibang lokal na ordinansa.

Sa datos ng mula kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director Chief Superintendent Guillermo Eleazar, sa 18,763 na mga pinagdadampot, 240 na lamang ang nananatiling nasa kostodiya ng pulis.

Hindi rin lahat ng naarestong 18,000 ay ikinulong, katunayan ayon kay Eleazar, nasa 9,308 sa mga ito ay winarningan lang, 5,904 naman ang pinagmulta at 3,525 ang kinasuhan.

Karamihan sa kanila ay lumabag sa umiiral na smoking ban na umabot sa 4,679; marami ring naitalang menor de edad na lumabag sa curfew na umabot sa 3,756; habang ang mga nahuling nag-iinuman sa kalye ay 3,323; at nasa 2,815 ang hinuli dahil walang damit na pang-itaas.

Ang EPD ang nakapagtala ng may pinakamaraming huli sa paglabag sa local ordinances na umabot sa 6,806; sinundan ng SPD – 4,635; ikatlo ang QCPD – 3,306; pang-apat ang NPD na may huling 2,033 at panglima ang MPD – 1,978.

 

TAGS: campaign against tambay, Metro Manila, NCRPO, campaign against tambay, Metro Manila, NCRPO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.