Sa isinagawang pag-aaral ng World Health Organization (WHO), ang “carbetocin” na gawa ng Ferring Pharmaceuticals ay pareho lang ang bisa sa gaot na “oxytocin” na ngayon ay first-choice medicine para maiwasan excessive bleeding.
Gayunman ang “oxytocin” kasi ay hindi pwedeng mainitan at kailangang naka-store sa lamig na 2 hanggang 8 degrees Celsius lamang dahilan para maraming mahihirap na lugar sa iba’t ibang bansa ang hindi ito magamit dahil sa limitasyon sa kuryente.
Sa pag-aaral na isinapubliko sa New England Journal of Medicine, ang “carbetocin” ay isang heat stable na gamot at mabisa sa postpartum bleeding.
Kaya umano nitong tagalan ang init kahit pa hanggang 30 degrees Celsius na temperature at 75 percent na humitidity.
Isusumite na ang “carbetocin” sa regulatory review sa mga bansang nais itong gamitin.
Sa datos ng WHO, umaabot sa 70,000 na mga ina ang nasasawi kada taon sa buong mundo dahil sa post-partum hemorrhage.
Ang pagkasawi ng nanay ay nagpapataas din sa posibilidad na masawi ang bagong silang na sanggol.