Gamot na panlaban sa postpartum bleeding natuklasan ng WHO

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 28, 2018 - 08:23 AM

Isang bagong gamot ang inaasahang makatutulong sa maraming ina sa mahihirap na bansa para makaiwas sa labis na pagdurugo matapos manganak.

Sa isinagawang pag-aaral ng World Health Organization (WHO), ang “carbetocin” na gawa ng Ferring Pharmaceuticals ay pareho lang ang bisa sa gaot na “oxytocin” na ngayon ay first-choice medicine para maiwasan excessive bleeding.

Gayunman ang “oxytocin” kasi ay hindi pwedeng mainitan at kailangang naka-store sa lamig na 2 hanggang 8 degrees Celsius lamang dahilan para maraming mahihirap na lugar sa iba’t ibang bansa ang hindi ito magamit dahil sa limitasyon sa kuryente.

Sa pag-aaral na isinapubliko sa New England Journal of Medicine, ang “carbetocin” ay isang heat stable na gamot at mabisa sa postpartum bleeding.

Kaya umano nitong tagalan ang init kahit pa hanggang 30 degrees Celsius na temperature at 75 percent na humitidity.

Isusumite na ang “carbetocin” sa regulatory review sa mga bansang nais itong gamitin.

Sa datos ng WHO, umaabot sa 70,000 na mga ina ang nasasawi kada taon sa buong mundo dahil sa post-partum hemorrhage.

Ang pagkasawi ng nanay ay nagpapataas din sa posibilidad na masawi ang bagong silang na sanggol.

 

TAGS: Health, postpartum bleeding, Health, postpartum bleeding

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.