Station commander sa MPD at 3 tauhan sinuspinde ng NCRPO
By Donabelle Dominguez-Cargullo June 28, 2018 - 08:07 AM
Sinuspinde ang commander ng Manila Police District (MPD) station 5 dahil sa umano ay pagkakasangkot ng mga tauhan nito sa pangongotong.
Ang suspensyon ay base sa kautusan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Guillermo Eleazar.
Sinabi ni Eleazar na tatlong pulis mula sa MPD Station 5 o Ermita Police Staiton ang nasangkot sa pangongotong.
Ang tatlong pulis ay nauna nang pinatawan ng suspensyon at damay na rin sa suspensyon ang kanilang hepe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.