PCEC tutulong sa dayalogo ng pamahalaan sa simbahan

By Chona Yu June 28, 2018 - 07:55 AM

INQUIRER PHOTO/JOAN BONDOC

Ibinunyag ng Malakanyang na nag-aalok ng tulong ang Philippine Council for Evangelical Churches (PCEC) para maplantsa na ang diyalogo sa pagitan ng Simbahang Katolika at ng three-man committee na binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte na naatasang makipagdayalogo sa religious group.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ibinigay ng PCEC ang alok na tulong matapos ang kanilang pag-uusap noong Miyerkules.

Giit ni Roque, may interaksyon daw ang PCEC sa Simbahang Katolika.

“Well, nag-offer din po sila na dahil mayroon naman din daw silang mga interaction with the Roman Catholic Church, gagawin nila ang kaya nilang gawin ‘no, para mapaghilom iyong mga sugat na pinagmumulan nitong maaanghang na salita. Pero naintindihan po namin ang deklarasyon ng PCEC, tapos sila pa nga ang pinakaunang nag-issue ng statement na kailangan naman nilang magsalita dahil iyong kuwento ng Genesis ay iyan naman po ay kuwento ng lahat ng pananampalataya at hindi lang sa Simbahang Katolika na tinatanggap naman natin ‘no,” ayon kay Roque.

Gagawin aniya ng PCEC ang pagtulong para tuluyan nang maghilom ang sugat na pinagmulan ng palitan ng maanghang na salita sa pagitan ng Simbahang Katolika at ni Pangulong Duterte.

Una nang inihayag ng pangulo na biktima siya ng sexual harassment noong nag-aaral pa siya ng high school sa Ateneo De Davao University.

TAGS: catholic church, Dialogue with the church, Harry Roque, catholic church, Dialogue with the church, Harry Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.