Lalaking sangkot umano sa pagnanakaw sugatan sa pamamaril

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 28, 2018 - 07:35 AM

Sugatan ang isang 19 anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Davao City Miyerkules ng gabi,

Sakay ang biktimang si Bruce William Yamido ng isang habal-habal nang mangyari ang pamamaril.

Ayon kay Marielle Sabroso, amo ng biktima, kagagaling lang ni Yamido sa Talomo Police Station dahil isinailalim siya sa imbestigasyon matapos madawi sa kasong pagnanakaw ng mga alahas sa loob ng isang bahay sa Ecoland Subdivision.

Si Yamido umano ang itinuro ng nahuling menor de edad na siyang mastermind umano sa pagnanakaw.

Nagtamo ng tama ng bala sa leeg, balikat, at dibdib si Yamido na kasalukuyang ginagamot sa ospital.

Maliban sa kasong pagnanakaw, nasangkot na din umano sa riot ang biktima.

TAGS: ambush, Davao City, ambush, Davao City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.