Lider ng drug group sa Laguna sugatan sa shootout

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 28, 2018 - 06:52 AM

Nasugatan ang lider ng isang drug group sa San Pedro, Laguna makaraang manlaban sa buy-bust operation.

Ayon sa Laguna Police Provincial Office, nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng San Pedro Police Station sa pamumuno ni Supt. Giovanni Martinez laban kay Gaudencio Rojo III alyas Denden.

Nang dumating ang mga otoridad sa Barangay San Vicente at nag-positibo ang buy-bust ay pinaputukan sila ni Rojo matapos matunugan na pulis ang kaniyang katransaksyon.

Doon na gumanti ng putok ang mga pulis dahilan para masugatan ang suspek.

Nakuha mula sa kaniya ang isang kalibre 45 na baril na may mga bala.

Nabatid na lider ang suspek na Rojo drug group na sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga at mga insidente ng robbery hold-up sa lugar.

Mayroon na din itong kasong robbery at carnapping.

TAGS: buy bust, drug group, san pedro laguna, shootout, buy bust, drug group, san pedro laguna, shootout

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.