12 nasawi sa bagyong Lando, pinangalanan ng NDRRMC

By Dona Dominguez-Cargullo October 20, 2015 - 12:37 PM

703rd IB 9
Calaanan, Bongabon, Nueva Ecija/703rd Agila Brigade

Labingdalawa ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Lando batay sa opisyal na datos ng National Disaster Risk Reduction ang Management Council (NDRRMC).

Ang mga nasawi ay pawang mula sa Regions 2, 3, NCR at CAR.

Karamihan sa mga nasawi ay dahil sa pagkalunod, nakuryente, at natabunan ng landlisde habang nananalasa ang bagyo.

Kinilala ang mga nasawi na sina:

– Renai Vitex Tuliao – 6 y.o, nahulog sa creek sa Bambang, Nueva Vizcaya.

– Benita Famanilay – 62 y.o, nagtamo ng head injury dahil sa gumuhong pader sa Subic, Zambales.

– Violeta Magbalot – 57 y.o, nasawi matapos makuryente sa Moncada, Tarlac.

– Pedro Tuares – 65 y.o, nalunod at Mario Abesamis – 58 y.o, nalunod sa General Tinio, Nueva Ecija.

– Rannel Castillo – 14 y.o, nabagsakan ng puno at Ma. Esperanza Palparan – 46 y.o, nabagsakan ng puno sa Quezon City.

– Fernando Laso Gumbad – 57 y.o, natabunan ng landslide sa Bakud, Benguet.

– Antonio Pallay – 61 y.o, at Reginaldo Basillo – 38 y.o, kapwa inatake sa puso matapos ang pagguho ng lupa sa Tinoc, Ifugao.

– Norton Aniceto Jose – 26 y.o, inanod ng tubig sa Baguias, Benguet.

– Ryan Biglay – 23 y.o, inanod ng tubig sa Tineg, Abra.

Maliban sa mga natukoy na nasawi, mayroon ding pitong naitalang nasugatan ang NDRRMC mula sa Nueva Ecija, Zambales at Quezon City.

TAGS: EffectsofTyphoonLando, EffectsofTyphoonLando

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.