Maynilad at Manila Water humirit ng dagdag-singil
Humirit ng dagdag-singil ang Maynilad at Manila Water sa gitna ng public consultation kasama ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).
Nais ng Maynilad na dagdagan nang P12 per cubic meter ang singil habang P8.30 per cubic meter naman ang nais na dagdag ng Manila Water.
Ayon sa Manila Water, base ito sa income tax ng kumpanya at iba pang gastusin ng kumpanya.
Tiniyak naman ng MWSS na magtatakda ito ng guidelines kung ano ang dapat na isama sa pagkukwenta sa hirit na dagdag-singil.
Nilinaw ng MWSS na hindi pa aprubado ang hiling ng dalawang water concessionaires.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.