Mga consumer groups pinalagan ang hirit na dagdag-singil ng Maynilad at Manila Water

By Isa Avendaño-Umali June 28, 2018 - 03:28 AM

Pinangunahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang public consultation kaugnay sa petisyon ng water concessionaires na Manila Water at Maynilad.

Nauna nang inanusyo ng Manila Water na nais nilang magpatupad ng dagdag-singi na P8.30 per cubic meter, habang ang Maynilad ay P12.00 per cubic meter ang target na rate hike.

Kabilang sa mga dumalo sa konsultasyon ang ilang cause-oriented at consumer groups.

Ayon sa MWSS, layunin ng public hearing na mailatag ang mga proyekto ng Manila Water at Maynilad; at maipaintindi sa stakeholders ang aaprubahang rate ng dalawang water concessionaires.

Sa hearing, kinuwestyon ni Renato Reyes ng grupong BAYAN ang water rate hike ng Manila Water at Maynilad, lalo’t malaki naman aniya ang kita ng dalawang kumpanya.

Ayon kay Reyes, aabot sa P6.5 billion ang net income ng Manila Water noong 2017, samantalang P7.4 billion ang net income ng Maynilad.

Maging si dating Bayanmuna Partylist Representative Neri Colmenares, umalma sa pagtaas sa singil sa tubig.

Pangamba nito, baka may ipasang halaga sa mga konsumer ang water concessionaires o tinatawag na “pass-on” at sa bandang huli ay dehado pa rin ang mga mamamayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.