LA Tenorio itinanghal bilang PBA Player of the Week

Nakuha ni Barangay Ginebra veteran LA Tenorio ang PBA Player of the Week award matapos ang nakakabilib na all-around game na nagresulta sa apat na sunod na panalo ng koponan sa Commissioner’s Cup.

Si Tenorio ay nag-average ng 14 points, 6.5 assists, 4 rebounds, at 4 steals sa mga panalo ng Ginebra laban sa Columbian Dyip at Alaska Aces noong nakaraang Linggo.

Gumawa si Tenorio ng 16 points, 10 assists, 3 rebounds, at 3 steals sa 133-104 win ng Ginebra kontra Columbian.

Naitala naman nito ang 12 points, 5 rebounds, 5 steals, at 3 assists makalipas ang apat na araw sa panalo sa Alaska.

Tinalo ni Tenorio ang teammate na si Japeth Aguilar; June Mar Fajardo at Marcio Lassiter ng ng San Niguel; Matthew Wright ng Phoenix; Maverick Ahanmisi ng Rain or Shine at Troy Rosario ng TNT.

Sa ngayon ay nasa 12-day break ang ang Gin Kings at balik aksyon sila sa July 6 sa laban sa Global Batang Pier.

Read more...