Mag-aaral na drug suspek nasawi sa engkwentro sa Isabela

Patay ang isang 19 anyos na estudyante na umano’y sangkot sa droga sa engkwentro sa pulisya sa Barangay Bella Luz, sa San Mateo, Isabela.

Ayon sa pulisya, si Genesis Tumumba, tubong Alfonso Lista, Ifugao at may dalawang kasama, ay nakipagbarilan sa mga pulis na agad nitong ikinamatay.

Naaresto ang kasama ni Tumumba na si Adriano Ganer habang ang isa pa na si Patrick Ganer ay nakatakas.

Sinabi ni San Mateo Police chief inspector Richard Gatan, nakabili ang isang asset ng droga mula sa mga suspek kaya isinagawa nila ang operasyon.

Narekober sa crime scene ang isang 9mm pistol at 2 sachet ng pinaghihinalaang pinatuyong marijuana.

Read more...