Navotas tinalo ang Caloocan sa Maharlika Pilipinas

By Justinne Punsalang June 28, 2018 - 12:16 AM

Wagi ang Navotas Clutch kontra sa Caloocan Supremos sa kanilang naging tapatan kagabi para sa 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup na ginanap sa Bataan People’s Center.

Natapos ang laro sa iskor na 59-55 pabor sa Clutch.

Dahil dito, umangat sa 2-0 ang win-loss record ng Navotas habang 1-1 naman ang sa Caloocan Supremos.

Kapwa naging mahirap ang opensiba para sa dalawang koponan. 33% lamang ang shooting percentage ng Navotas habang 28% ang sa Caloocan.

Si Levi Hernandez ang nanguna sa Clutch matapos niyang makapagtala ng 15 puntos, at sumunod si Ron Dennison na nagbigay naman ng 12 points.

Samantala, para sa Supremos si JR Cawaling ang nakapagtala ng team-high na 13 puntos.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.