PCCI may pangamba sa planong federalismo

By Rhommel Balasbas June 28, 2018 - 02:00 AM

Nagpahayag ng pangamba ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) sa planong pagpapalit ng uri ng gobyerno patungong federalismo.

Sinabi ng pinakamalaking largest business group sa bansa na maaaring hindi magamit ng tama ang alokasyon ng pondo sa mga rehisyon sa ilalim ng federalismo.

Sa diskusyon ng PCCI tungkol sa federal government, sinabi ni PCCI auditor Benjamin Punongbayan na ang mga buwis na kinolekta ng central government at ibibigay sa mga rehiyon ay maaaring hindi magamit nang tama.

Anya, walang accountability ang mga rehiyon sa nasabing pondo.

Iginiit ni Punongbayan na ang perang gagastusin ng mga rehiyon ay perang dapat na kinita mismo ng mga rehiyong ito.

Bilang tugon, sinabi ni Subcommittee Economic Reforms Chairman Arthur Aguilar na bahagi ng binuong Consultative Committee para sa Charter Change na isang federal transition commission ang bubuoin at pangungunahan mismo ng presidente.

Maraming magiging trabaho ang nasabing komisyon at lahat ng posibleng magiging alalahanin ay tutugunan nito kabilang ang mga isyung may kinalaman sa fiscal at tax-sharing.

Matatandaang kamakailan ay nagpahayag na rin ng pagkabahala ang PCCI kabilang na ang ilan pang business groups tulad ng Makati Business Club, Financial Executives Institute of the Philippines, Cebu Business Club at iba pa na maaaring magkaroon ng implikasyon sa ekonomiya ang federal government.

TAGS: BUsiness, BUsiness

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.