Hostage taker nasawi sa operasyon sa Parañaque City

By Justinne Punsalang June 28, 2018 - 12:00 AM

Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang isang lalaking hostage taker matapos paputukan ng mga pulis sa Barangay San Dionisio, Parañaque City.

Kinilala lamang ang nasawing suspek sa alyas na Celso.

Ayon sa Parañaque City Police, dinakip ng suspek sina Roma Tubania, Rose Ann dela Cruz, at tatlong menor de edad sa loob mismo ng kanilang bahay sa Lim Compound.

Agad na rumespunde ang mga otoridad sa lugar upang subukang makipag-usap kay alyas Celso ngunit nagwala ito at pinagsasaksak ang mga hostage.

Dahilan ito upang paputukan ng mga pulis si alyas Celso.

Agad na isinugod sa ospital ang mga biktima upang malapatan ng lunas.

Isinugod din sa ospital ang suspek ngunit idineklarang dead on arrival ng naka-duty na doktor.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis upang malaman ang motibo sa naganap na hostage incident.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.