Isa sa bawat apat na Filipino may alam sa Federalismo ayon sa SWS Survey

By Rhommel Balasbas June 28, 2018 - 02:20 AM

Lumalabas sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa noong March 23 hanggang March 27, 2018 na isa lamang sa bawat apat na Filipino o 25 percent ang may alam sa itinutulak na federal na uri ng gobyerno o federalismo.

Ang resulta ng 1st quarter survey na inilabas madaling araw ng Huwebes ay nagsasabing 75 porsyento ng mga Filipino ang nagkaroon lamang ng kaalaman sa federalismo nang isagawa ang survey.

Pinakamataas ang may kaalaman sa federalismo sa Mindanao sa 37 percent na sinundan ng Metro Manila sa 28 percent, Visayas sa 22 percent at Balance Luzon sa 20%.

Samantala 37 percent naman ng mga Filipino ang sang-ayon sa ganitong uri ng pamahalaan habang 29 percent ang hindi sang-ayon habang 34 percent ang ‘undecided’ sa isyu.

Mindanao din ang may pinakamataas na net agreement score sa pagiging sang-ayon at hindi sang-ayon sa federalismo kung saan 59 percent ang nagsabing sang-ayon at 25 percent ang hindi sang-ayon na nagresulta sa net score na +43.

Sinundan ito ng NCR na may 38 percent na sang-ayon at 31 percent na hindi sang-ayon para matamo ang net score na +7.

Ang survey ay isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 Filipino adults sa buong bansa at may sampling error margin na ±3% para sa national percentages at tig ±6% sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao.

TAGS: sws survey, sws survey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.