Ipinanganak na ang ikalawang anak nina Rain or Shine Elasto Painters player James Yap at partner nitong si Michela Cazzola.
Sa Instagram post ay ibinahagi ni Yap ang larawan niya kasama si Cazzola at ang kanilang bagong baby na si Francesca Michelle sa loob ng ospital.
Agad na tumanggap ng mga pagbati ang dalawa para sa kanilang second baby.
Ipinanganak ang unang anak ng dalawa na si Michael James noong August 2016.
May dalawa ng anak si Yap sa mga unang relasyon nito.
Ang anak ng basketbolista sa dating asawa na si Kris Aquino na si Bimby ay 11 anyos na ngayon.
Una nang umamin si Yap na may nauna pa itong anak bago kay Bimby.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.