Duterte dapat mag-sorry sa diyos ayon kay Bro. Eddie Villanueva

By Len Montaño June 27, 2018 - 06:29 PM

Nais ng isang religious group na humingi si Pangulong Rodrigo Duterte ng paumanhin sa diyos dahil sa pagtawag niya ditong “stupid”.

Sa kanyang opisyal na pahayag at liham sa pangulo, sinabi ni Bishop Eddie Villanueva, founder and national chairman ng Philippine for Jesus Movement na nag-alala at nainsulto sila sa talumpati ni Duterte kung saan minura nito ang diyos.

Isa anyang pag-atake sa kanilang pananampalataya at ng milyong milyong kristiyanong Filipino ang pagtawag ng pangulo sa diyos na stupid.

Iginiit ni Villanuena na si Duterte ang pinakatamataas na lider ng bansa kaya mali at insensitibo ang pahayag nito laban sa pananampalataya ng karamihan ng mga Pinoy.

Dahil dito ay nais ng iba’t-ibang grupo sa ilalim ng Philippines for Jesus Movement na humingi ng paumanhin ang pangulo sa diyos dahil alam umano ng grupo na bagaman hindi naniniwala si Duterte sa relihiyon ay naniniwala naman ito sa diyos.

TAGS: duterte, eddie villanueva, god, Malacañang, stupid, duterte, eddie villanueva, god, Malacañang, stupid

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.