Sara Duterte: Huwag pakinggan si Pang. Duterte kapag nagsasalita tungkol sa bibliya
Pinayuhan ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte ang publiko na huwag pakikinggan ang kaniyang ama kapag an tinatalakay ay ang tungkol sa Bibliya o Quran.
Ani Sara, hindi pari, pastor o imam ang kaniyang ama kundi siya ay pangulo ng bansa.
Kaya ang payo ni Mayor Sara sa publiko lalo na sa mga kritiko ng pangulo, huwag itong pakikinggan kung nagsasalita ng tungkol sa relihiyon.
Dagdag pa ni Mayor Sara, dapat ang pakinggan lang ng mga tao sa pangulo ay ang mga sinasabi nitong tungkol sa kaniyang trabaho bilang pangulo.
At kung pupunahin naman ay dapat punahin ito nang dahil sa kaniyang ginagawang trabaho at hindi nang dahil sa kaniyang pagiging taklesa.
Ipinagtanggol din ni Mayor Sara ang kaniyang ama sa mga nagsasabing galit ito sa mga babae.
Ayon kay Sara, ito ang unang pagkakataon na kaniyang aaminin na siya ang paboritong anak dahil siya ay babae.
Kaya wala aniyang katuturan ang inilunsad na #BabaeAko campaign laban sa pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.