Hidwaan ng simbahan ni Pang. Duterte hindi mauuwi sa destabilisasyon
Naniniwala si Council for Philippine Affairs (COPA) secretary general Pastor Boy Saycon na malabong maging ugat ng pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kasalukuyang alitan sa pagitan ng Pangulo at ng Simbahang Katolika.
Inihalintulad ni Saycon ang sitwasyon na ito ngayon sa pagtatag ng namayapang Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin sa COPA noong 1989.
Aniya, isa rin sa mga trabaho ng COPA noong ang pagkakaroon ng dayalogo sa pagitan ng gobyerno at ng simbahan.
Sinabi ni Saycon na gayunman, nauwi sa hindi magandang sitwasyon ito sa panahon ni dating pangulong Joseph Estrada na nagpatalsik sa kanya sa pwesto.
Sinabi ni Saycon ang trabaho ng simbahan ay tignan kung may mali sa moralidad ng pamahalaan. Aniya, hindi rin naman mapipigilan ang simbahan na gawin ito.
Nilinaw rin ni Saycon na walang pagbabanta ng destabilisasyon laban kay Duterte ang Simbahang Katolika.
Tiwala naman si Saycon na hindi magpapagamit sa ganitong adhikain ang Simbahang Katolika dahil mismong ang liderato nito ay hindi nakikialam sa usaping pulitika.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.