De Lima gustong lumahok sa oral argument sa kinukwestyong pagbibitiw ni Duterte sa Rome Statute

INQUIRER FILE PHOTO

Hiniling ni Senator Leila De Lima sa Korte Suprema na payagan siya na makilahok sa oral arguments sa kasong kumukwestyon sa ginawang pagbitiw ni Pangulong Duterte sa Rome Statute.

Sa kaniyang inihaing manifestation with motion, nais ni De Lima na personal na makasali sa gagawing oral argument bilang isa sa mga petitioners kasama sina Senators Kiko Pangilinan, Bam Aquino, Franklin Drilon, Risa Hontiveros at Antonio Trillanes IV.

Ang oral argument sa isyu ay itinakda ng SC sa July 24, 2018.

Respondent sa nasabing kasi sina Foreig Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, Exec. Sec. Salvador Medialde, Philippine Envoy to the UN Teodoro Locsin at si Presidential Legal Cousel Salvador Panelo.

 

Read more...