Limang sangkot sa ilegal na droga arestado sa CamSur


Lima ang arestado sa magkakahiwalay na operasyon na sangkot umano sa iligal na droga sa Camarines Sur.

Natagpuan ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu sa likod ng imahen ng Birheng Maria at Panginoong Hesukristo sa bahay ng suspek na si Willy Elgar, 33, nakatira sa Bato, Camarines Sur.

Ayon naman kay Elgar, matagal na siyang hindi gumagamit at nagtutulak ng iligal droga. Depensa naman niya na ang mga nakuha umano’y mga tawas na gamot para sa singaw ng kaniyang anak.

Ang isang pang suspek na si “Gregorio “Gorio” Tuyay ay nakuhaan ng ilang sachet ng hinihinalang shabu sa kaniyang bahay.

Ayon kay Tuyay, nakita mismo ng kanyang anak na itinanim ng mga pulis ang mga iligal na droga sa kanilang bahay.

Wala pang ibinigay na pahayag ang Bato police ukol sa mga pahayag ng mga inarestong suspek.

Samantala, tatlo naman ang nahuli na sangkot umano sa iligal na droga sa bayan ng Baao, Camarines Sur.

Ang mga naaresto ay sina William Abasola, John Hienrich Biag, at Jason Pontillas.

Bumungad ang mga drug paraphernalia na nagkalat sa loob ng bahay at kasama na rito ang walong sachet ng hinihinalang shabu ng sila ay puntahan ng Bato police.

Nakadikit ang isa sa mga sachet sa bombilya para hindi ito makita.

Read more...