Bagong single ng Momoland na “Baam” patok agad sa fans

By Jimmy Tamayo June 27, 2018 - 10:38 AM

Patok na patok na naman ang bagong kanta ng all girl Korean group na Momoland na “Baam.”

Ang nasabing kanta ay follow-up sa sikat na sikat na kanta at dance craze na “Bboom Bboom.”

Ang music video ng “Baam” ay inilabas kahapon, June 26 at sa loob lamang ng higit pitong oras ay nasa mahigit 2 million views na ito sa Youtube.

Sa ngayon ay nasa higit 3 million views na ang nasabing kanta.

Gaya ng “Bboom Bboom,” puno ng energy ang beat ng “Baam” na kasama sa kanilang 4th mini album na “Fun to the New World.”

Paglalakbay sa iba’t ibang bansa ang concept ng music video at tiyak na matutuwa ang Filipino fans ng Momoland dahil kasama ang Pilipinas sa kanilang pinuntahan kung saan makikita na winawagayway ang miniature na Philippine flag ng miyembro ng grupo na si Nancy habang nasa background ang iconic na jeepney.

Dito sa bansa, si Nancy ang isa sa sikat na miyembro Korean group dahil sa pagkakahawig nito kay Liza Soberano.

Samantala, ang music video naman nilang “Bboom Bboom” ay mayroon nang mahigit 184 million views.

May balita na sa Agosto ay magtutungo sa Pilipinas ang Momoland.

TAGS: Baam, Bboom Bboom, Momoland, Baam, Bboom Bboom, Momoland

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.