Hidwaan sa pagitan ng pamahalaan at simbahan maaayos pa – Saycon
Naniniwala si Pastor Boy Saycon na “reconcilable” pa ang sitwasyon sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Simbahang Katolika.
Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Saycon, sinabi nitong binuo ng pangulo ang komite para mas madali na maiayos ang mga gusot sa pagitan ng simbahan at ng pamahalaan.
Ani Saycon, ganito rin ang ginawa nila noon sa Council of Philippine Affairs o COPA noong panahon ni dating Pangulong Joseph Estrada.
Binanggit ni Saycon na noong panahon ni Erap, mistulang hindi na naawat pa ang hidwaan sa pagitan ng pamahalaan at simbahan.
Ito aniya ang dahilan kaya habang maaga pa at kaya pang ayusin ay maumpisahan na ang pakikipag-dayalogo sa mga religious group lalo na ang Simbahang Katolika.
Nilinaw naman ni Saycon na hindi sila haharap sa simbahan para ipaliwanag ang panig ng pangulo dahil naibabahagi naman ni Pangulong Duterte ang kaniyang panig sa kaniyang mga talumpati.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.