Benepisyo ng mga nasawing pulis sa Samar misencounter pinamamadali ng DILG

FB Photo

Pinabibilisan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa PNP Program Management Office ang pagpapalabas ng financial assistance para sa pamilya ng mga pulis na nasawi at nasugatan sa misencounter sa Samar noong Lunes.

Ang financial assistance na ibibigay sa kanilang pamilya ay mula sa Comprehensive Social Benefits Program (CSBP).

Ayon DILG OIC Secretary Eduardo Año, bawat benepisyaryo ng pulis na kabilang sa killed in action (KIA) o killed in police operation (KIPO)ay makakatanggap ng P500,000.

Habang ang mga pulis na Wounded in Action o Wounded in Police Operation na may Total Permanent Physical Disability (TPPD)ay makakatanggap ng P150,000.

Samantala para naman sa mga pulis na wounded in action o wounded in police operation na may major at minor injuries ay makakatanggap ng tig P100,000.

Bukod pa dito ang Shelter Assistance na nagkakahalaga ng P450,000 na ibibigay sa bawat pamilya ng pulis na nasawi at nasugatan sa engkwentro.

Meron din silang matatanggap na Health Care Assistance mula sa Philippine Health Insurance Corporation na nagkakahalaga ng P2,400 kada taon at maintenance medicines mula sa Department of Health.

Tiniyak din ni Ano na mabibigyan ng Educational Assistance ang dalawang anak at iba pang benepisyaryo ng mga namatay at nasugatang pulis.

Read more...