Senior Citizen’s Desk ipinatatayo sa mga istasyon ng pulis
Hinikayat ni Kabayan Rep. Ciriaco Calalang ang pamunuan ng Philippine National Police na magtalaga ng Seniors o Elderly Desk sa bawat police station sa bansa.
Sinabi ni Calalang na bagamat may pananagutan sa batas ay dapat pa rin i-trato ng maayos ng mga awtoridad ang mga nakatatanda.
Maari anIyang bigyan ng sariling help desk o kaya ay isama sa Women’s and Children’s desk ang mga senior citizens na inaresto at hindi dapat ihalo sa mga karaniwang bilanggo.
Katwiran ng kongresista, kahit na nagkasala ang isang senior citizen ay may special needs ito na dapat tugunan at protektahan ng pamahalaan.
Sa ilalim ng Article 13 ng Revised Penal Code, ‘mitigating circumstance’ ang mga nagkasala sa batas na nasa 70 anyos pataas na nangangahulugan na ang mga senior citizens na lumabag sa batas ay maaaring babaan ang ipapataw na parusa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.