Pinalilikas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy na malapit sa nagaganap na wildfire sa northern California.
Hinikayat ng DFA ang mga Pinoy doon na tumalima sa panawagan ng local authorities na iwanan ang kanilang mga tahanan dahil sa panganib.
Patuloy din ang pag-monitor ng DFA sa sitwasyon sa nagpapatuloy na wildfire sa Lake County kung saan mayroong nasa 1,700 na Filipino ang naninirahan.
Inabisuhan na rin ng Philippine Consulate General sa San Francisco ang Filipino community sa Lake County na tumugon sa abiso ng mga otoridad matapos ideklara ni California Governor Jerry Brown ang state of emergency sa apektadong lugar.
Sa ngayon wala pa namang ulat na mayroong Pinoy na naapektuhan ng wildfire na ang lawak ng pinsala ay umabot na sa 11,500 acres.