Nakatanggap kasi ng sumbong ang barangay mula sa mga concerned citizen na nasa center island lang lagi ang mga bata at patawid-tawid sa klasada kung saan pawang malalaking truck at mga mabibilis na sasakyan ang dumaraan.
Ayon sa barangay, ilang beses na rin nilang napatawag ang magulang ng mga bata at nangangakong hindi na pagititindahin ang mga ito pero kalaunan, babalik na naman sa lugar ang tatlong menor.
Katwiran ng mga magulang, mas malaki ang kita nila kapag mga bata ang magtitinda ng sampaguita.
Nai-turnover na sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tatlong mga batang nasagip.