WATCH: Tatlong bata na pinagtitinda ng sampaguita ng magulang sinagip sa QC

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 27, 2018 - 07:46 AM

Sinagip ng mga tauhan ng barangay ang tatlong mga bata na nagbebenta ng Sampaguita sa intersection ng Mindanao at Congressional Avenue sa Quezon City.

Nakatanggap kasi ng sumbong ang barangay mula sa mga concerned citizen na nasa center island lang lagi ang mga bata at patawid-tawid sa klasada kung saan pawang malalaking truck at mga mabibilis na sasakyan ang dumaraan.

Ayon sa barangay, ilang beses na rin nilang napatawag ang magulang ng mga bata at nangangakong hindi na pagititindahin ang mga ito pero kalaunan, babalik na naman sa lugar ang tatlong menor.

Katwiran ng mga magulang, mas malaki ang kita nila kapag mga bata ang magtitinda ng sampaguita.

Nai-turnover na sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tatlong mga batang nasagip.

TAGS: Congressional Avenue, dswd, minors, Congressional Avenue, dswd, minors

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.