LOOK: Angelica Panganiban at Carlo Aquino nasangkot sa aksidente

By Jimmy Tamayo June 27, 2018 - 07:13 AM

Nasangkot sa aksidente ang Kapamilya stars na sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino.

Sa post ni Panganiban sa kanyang Instagram account, nasa “road trip” sila nang mabangga ang isang kotse. Nilagyan pa niya ito ng caption na: “Ang usapan, joyride… Bakit tayo nabangga? ‘Etong mga batang 90’s na ‘to! Pariwara!’”

Pinost pa ni Panganiban ang video kung saan makikitang nakikipag-usap si Aquino sa driver ng kotse na kanilang nabangga.

Wala namang nasaktan sa pangyayari bagamat may pahiwatig na inareglo na lamang ni Aquino ang driver dahil makikitang kinuha nito ang kanyang wallet at akmang kukuha ng pera.

Sa kabila nito, kinilig pa rin ang mga netizens at nag-post ng kani-kanilang komento.

Samantala, muling mapapanood ang dalawa sa reunion movie na Exes Baggage.

Ang usapan, joyride… Bakit tayo nabangga? 😂 “etong mga batang 90’s na ‘to! Pariwara!” ✌️ #DeserveMoAngFeedPost #TanghalingTapatKasi @jose_liwanag

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on Jun 26, 2018 at 1:31am PDT

TAGS: Angelica Panganiban, Carlo Aquino, Angelica Panganiban, Carlo Aquino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.