1 patay, 12 sugatan sa pagsabog malapit sa ospital sa Texas
(UPDATE) Isa na ang nasawi at labingdalawang katao ang nasugatan sa pagsabog na naganap sa isang ginagawang gusali malapit sa ospital sa Texas.
Naganap ang pagsabog malapit lang sa Corylell Memorial Healthcare System sa Gatesville dahilan para ilikas ang mga pasyente.
Kabilang sa inilikas ang labingdalawang mga pasyente ng Gatesville Hospital at dinala muna pansamantala sa isang pagamutan.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa dahilan ng pagsabog sa ginagawang gusali pero ayon sa ilang saksi, nakita nilang may sumabog na generator.
Ang nasawi ay isa sa mga construction workers na nagtatrabaho sa ginagawang gusali. Pawang trabahador din ng construction site ang sugatan at tiniyak ng mga rumespondeng bumbero na walang nasugatan na pasyente ng ospital.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.