PDEA Chief Aquino pumalag sa bumabatikos sa drug test sa mga estudyante

Umalma si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino sa mga bumabatikos sa mungkahi ng PDEA na isailalim ang mga estudyante mula Grade 4 hanggang highschool o Grade 10 sa drug test.

Ayon kay Aquino, hanggang sa ngayon ay pinag-aaralan pa rin nila ang nasabing proposal, kung kaya hindi umano tama na pabiglabigla na lamang nagkokomento hingil dito.

Sa datos ng PDEA aabot sa 182 minor na nasa edad na 10 hanggang 17 ang nagbebenta ng bawal na gamot na ang kanilang narescue simula nang pumasok ang administrasyong Duterte.

Pabor naman si Aquino na amiyendahan ang umiiral na Juvenile Justice and Welfare Act para maibaba pa ang bilang ng edad ng mga kabataan na masasangkot sa krimen na pwede ng kasuhan.

Read more...