Mga hits ng APO Hiking Society, isa nang musical play

By Justinne Punsalang June 27, 2018 - 12:00 AM

Simula sa August 2018 ay mapapanood na ang mga awitin ng APO Hiking Society sa isang original Filipino musical na “Eto na! Musikal nAPO” sa panulat at direksyon ni Robbie Guevara at sa produksyon ng 9 Works Theatrical at Globe Live.

Isang balik-tanaw sa 70s era, ang Musikal nAPO ay umiikot sa college life ng pitong magkakaibigan at kanilang mga problema tulad ng pag-ibig at pag-aaral.

Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ng direktor na si Robbie para sa kanilang show. Aniya, maituturong niyang ‘baby’ ang Musikal nAPO at naging malaki ang tulong ng pagpunta ng tatlong miyembro ng APO sa kanilang rehearsals.

Para naman sa isa sa mga bida ng musical na si Jobim Javier at anak ni Danny Javier na isa sa miyembro ng APO, sanay siyang kumanta sa harap ng kanyang ama kaya hindi siya gaanong kabado.

Samantala, dumalo sa press con ng naturang musical ang isa sa miyembro ng APO na si Jim Paredes.

Kasama sa bibida sa nasabing musical sina Mark Bautista, Rita Daniela, Jef Flores, Sab Jose, at marami pang iba.

Itatanghal ang Eto Na! Musikal nAPO sa Maybank Performing Arts Center sa BGC, Taguig City simula August 3.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.