PCOO nagsasagawa na ng imbestigasyon sa pagkakamali sa pangalan ni Sen. Gatchalian

By Chona Yu June 27, 2018 - 04:54 AM

Kinumpirma ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na may ginagawa ngayong administrative investigation hinggil sa pinakahuling blunder o pagkakamali sa kanyang opisina kung saan tinawag na Winston Gatchalian si Senador Sherwin Gatchalian.

Ayon kay Andanar, tulad ng nangyari sa Philippine News Agency (PNA), hindi niya pa matiyak ngayon kung may mapaparusahan at kung may kusang magri-resign dahil wala pa namang resulta ang isinasagawang imbestigasyon.

Ayon kay Andanar, gusto niyang maging patas sa lahat ang proseso ng imbestigasyon para matukoy kung saan talaga ang pagkakamali.

Tumanggi namang tukuyin ni Andanar kung sinadya ba talaga ang pagkakamali para siya ay mapahiya o sadyang honest mistake lamang na nangyayari din maging sa mga malalaking news networks.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.