Pangulong Duterte bumuo ng komite para makipag-usap sa mga religious groups

By Chona Yu June 27, 2018 - 01:49 AM

Sa gitna ng umiinit na away sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng simbahang Katolika, bumuo na ang chief executive ng isang komite na makikipag-diyalogo sa mga obispo.

Sa pulong balitaan sa Panacan, Davao City, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na itinalaga siya ng pangulo bilang miyembro ng komite.

Bukod kay Roque, itinalaga rin ng pangulo sina Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Ernesto Abella at EDSA People Power Commission member Pastor Boy Saycon bilang mga miyembro ng komite.

Ayon kay Roque, sisimulan na ni Saycon ang proseso ng dayalogo sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

Uunahin aniya nila ang pakikipag-usap sa simbahang Katolika at kasunod nito ay ang iba’t ibang religious sectors.

Ayon kay Roque, layunin ng direktibang ito ng pangulo na humupa na ang tensyon na nilikha ng mga pahayag ng pangulo laban sa Panginoong Diyos at sa simbahang Katolika.

Naniniwala naman si Roque na hindi na kailangan na personal pang makipagdiyalogo ni Pangulong Duterte sa mga kagawad ng simbahang Katolika.

Sinabi pa ni Roque na hayaan ng pamahalaan ang simbahan na mag-define ng agenda sa dialogue.

Umaasa rin si Roque na magiging mabunga ang diyalogo lalo na’t maganda naman ang relasyon nina Pangulong Duterte at ni CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub