Mga nasawing pulis sa misencounter sa Samar bibisitahin ni Pangulong Duterte
Personal na bibisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anim na pulis na nasawi sa misecounter laban sa tauhan ng Philippine Army sa Sta. Rita, Samar.
Sa talumpati ng pangulo sa harap ng mga bagong halal na barangay captain sa Region IX sa Municipal Gymnasium in Molave, Zamboanga del Sur, sinabi nito na isasama niya sa pagbisita ang army para ipakita ang camaraderie.
Ayon sa pangulo, hindi sinasadya ang naturang insidente.
Iginiit pa ng pangulo na mistulang Murphy’s Law ang naganap na misencounter. Ibig sabihin, kapag may isang nangyaring mali, magiging sunod sunod na ang mga pagkakamali.
“Nobody wants it. Actually, what happens there is the Murphy’s Law. If anything can go wrong, it will go wrong just like the misencounter. So I want to go there. Ugma siguro. Sige mo’g sabot diha,” ayon sa pangulo.
Gayunman, hindi tinukoy ng pangulo kung kailan niya gagawin ang pagbisita sa mga nasawing pulis.
Bukod sa anim na pulis, siyam na pulis ang nasugatan dahil sa naturang misecounter.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.