Aabutin ng siyam na buwan hanggang isang taon ang pagkumpuni ng Otis Bridge sa Maynila.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), isinara sa motorista ang Otis Bridge dahil hindi na ito matibay. Katunayan ay mayroon ng mga butas at bitak ang imprastraktura.
Sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia na hindi pwedeng balewalain ang kaligtasan.
Kailangan aniyang mag-detour o gumamit ng alternatibong lansangan ang mga motorista habang ginagawa ang tulay.
Dahil sa inaasahang trapik sa paligid ng lugar dahil sa pagsasara ng tulay, inutusan ni Garcia si MMDA Task Force Special Operations head Bong Nebrija na pa-igtingin ang pagtatanggal ng mga sasakyan na iligal na nakaparada at ibang obstruction sa alternate routes.
Dagdag ni Garcia, 2016 pa mayroong permit para sa repair ng Otis Bridge pero ipinagpaliban ito para sa rehabilitation ng Concordia Bridge at relocation ng mga poste ng kuryente sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.