Militar unang nagpaputok sa misencounter sa Samar

By Len Montaño June 27, 2018 - 02:38 AM

Inamin ng militar na mga miyembro ng Philippine Army ang unang nagpaputok sa mga pulis sa operasyon sa Santa Rita, Samar na isang misencounter sa pagitan ng mga tropa ng gobyerno na ikinamatay ng 6 na pulis at ikinasugat ng 9 na iba pa.

Sa joint press briefing ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP), sinabi ni Major General Raul Farnacio, 8th Infantry Division commander, nagkamali ang mga sundalo at napagkamalan na mga rebeldeng komunista ang mga pulis dahil madumi ang kanilang mga uniporme.

Ayon kay Farnacio, ang Army units na nasa high ground ang unang nagpaputok na nagkaroon ng malakas na return fire.

Nagkaroon anya ng koordinasyon sa Citicen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) detachment ang mga pulis na pumasok sa lugar kaya aalamin ng Special Investigation Task Group kung bakit hindi nakarating ang impormasyon sa ground troops.

Dagdag ni Farnacio, nasa 50 hanggang 70 meters ang layo ng mga pulis at sundalo sa isa’t-isa at nahirapan na magkakilanlan ang mga tropa.

Tumagal anya ng 20 minuto ang palitan ng putok kasunod ng pagganti ng mga pulis sa mga bumaril sa kanila.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub