Mga barangay captain at tanod bibigyan ng baril ng pangulo

Bilang self defense o panlaban sa mga kriminal, bibigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng tig-isang caliber 22 na baril ang mga opisyal ng barangay.

Sa talumpati ng pangulo sa Zamboanga del Sur, sinabi nito na magsisilbing panlaban ng mga kapitan at tanod ng barangay ang caliber 22 sa mga kriminal sa kanilang mga nasasakupan

Pero paalala ng pangulo, dapat lamang itong gamitin ng mga barangay officials sa panahong gipit na ang sitwasyon sa hinahabol o nirespondehang insidente ng krimen.

Nilinaw din ng pangulo na dapat ay sumailalim sa proseso ang mga opisyal ng barangay na bibigyan ng calibre 22 tulad halimbawa ng pagkuha ng lisensiya at permit to carry firearms outside residence at ang mga karapat dapat lang anya ang dapat mabigyan nito.

Read more...