Mga gumagamit ng iligal na droga pinayuhang magpakamatay na lang ng pangulo

Hinihimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga drug addict o ang mga durugista na huwag nang subukang sumurender sa pamahalaan.

Sa halip, ayon sa pangulo, dapat na magpakamatay na lamang ang mga durugista.

Paliwanag ng pangulo, kahit na sumurender ang mga durugista, papatayin din niya ang mga ito.

Una rito, sinabi ng pangulo na pakiramdam niya ay wala siyang silbi dahil sa patuloy pa ring nagaganap ang ibat ibang uri ng kriminalidad sa bansa dahil sa kagagawan ng mga durugista.

Ayon sa pangulo, kailanman ay hindi niya tatangkain na makipag-usap sa mga durugista.

“Ayaw kong makipag-usap ng mga durugista. Mag-surrender ka, magpakamatay ka na lang. Kay pag-surrender mo, patayin rin kita. Walang… I warned you. ‘Yung mga mayors — ayan mga mayors. Andito sila Beng,” ayon kay Duterte.

Read more...