Palasyo suportado ang pagbibigay armas sa mga pari
nihayag ng Palasyo ng Malacañang ang suporta sa pagbibigay armas sa mga pari at iba pang religious workers.
Sa press briefing sa Davao City kahapon, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kung papasa sa kwalipikasyon ang mga pari na magdala ng armas ay wala siyang nakikitang masama na bigyan ng Philippine National Police (PNP) ang mga ito ng ‘permit to carry’.
“Meron tayong mga guidelines. If any priest will qualify, then I’m sure the PNP will issue corresponding gun license,” ani Roque.
Iginiit naman ni Roque na hindi mag-iisyu ng ‘permits to carry’ ang pulisya dahil lamang pari ang mga ito kundi dahil nasa panganib ang kanilang mga buhay.
Gayunman, batay sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, kabilang ang mga pari sa mga pinapayagang magdala ng lisensyadong mga baril habang nasa trabaho.
Ang mungkahing armasan ang mga pari at iba pang religious workers ay umugong matapos ang pagkamatay ng tatlong paring Katoliko sa nakalipas lamang ng anim na buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.